Miyerkules, Hulyo 1, 2015

My Introduction


A tale of a dreamer. Pwede natin sabihin blog/diary or story ang A tale of dreamer. You can call me MER. Im a female. Ang babaeng walang ibang pinangarap kundi ang umunlad at maiahon ang pamilya sa hirap. Gaya ng mga simpleng mamayan sa ating bansa, gaya ng simpleng tao sa mundong to. Gusto ko lang mabuhay kame ng pamilya ko ng masaya at payapa.
Nakatira ako sa lugar kung saan masaya ako. May pagsubok na nararanasan, minsan pagsubok na kayang-kaya. Minsan pagsubok na halos wala ka ng ibang alam gawin kundi umiyak nalang.

Isang umaga, nagising ako sa isang kubo kasama ng aking ina at ama. Masaya naman kame, nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Minsan apat pa! Salamat sa diyos. Pinag aral ako ng aking mga magulang sa elementarya, tinaguyod nila ang aking pag aaral. Siga ako sa aming eskwelahan diko sure kung tibo ako nun o sadyang matapang lang talaga ako. Hhahaha! Marami rin akong naging kaibigan kase sa kabila ng kasungitan at kamalditahan ko marami rin akong nakakasundo. pero di mawawala ang kontrabida. Naranasan ko na ring makipagrambulan. Oo ganun ako kasuwail na anak. Hahahaha! Pero kahit ganun ako nakakakuha ako ng mataas na grado.

23 nako ngayon. Pero alam niyo diko makakalimutan ang sitwasyon nato.
Isang beses sa pag aaral ko sa elementarya, Nag aanounce ang aking teacher ng mga nakakuha ng top sa klase. Dahil cleaners ako nun at mag uuwian na wala akong napakinggan at narinig. Umuwi ako ng dismayado kase alam ko nman sa sarili ko na ginawa ko ang lahat para maging top sa klase.

Sinabi ko yan sa mama at papa ko. Dismayado sila lalo na ang aking tatay.

MER: Mama, wala akong top sa klase.
MAMA: Bakit wala kang top ngayon? Ano nangyari?
MER: Diko po alam eh.
PAPA: Akala ko ba matalino ka? tsktsk

Yan yung mga salita na diko malimutan nun. Iyak ako ng iyak.
Dumating ang kinabukasan kinuha ng aking ina ang aking card. Nagulat ang teacher ko kung bat di ako nagpunta ng recognition day. Kase nasa top pala ako nun. TOP 5!
Dahil nga cleaners ako nun at uwian kaya maingay at diko narinig ang anunsyo ni mam.
Sobrang saya nung binalita sakin ni mama. Pero ang papa ko? Walang reaksyon. Kakalungkot!


#PART1 #Ataleofadreamer

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento