Linggo, Setyembre 20, 2015

Fvcking New Year

Happy new year everyone :D hehehehe. January 1, 2015. Sobrang saya kase nga new year diba? Kaso hindi ko kasama si Pau. Nasa trabaho siya eh. Nung umuwi siya naabutan niya kame sa sala kasama ang pamilya niya na masaya at nagdidiwang ng newyear. Sobrang saya ko nun. Nag decide siya na maginom dahil wala siyang ginawa para magcelebrate kasama ang pamilya niya. Wala pa siyang cellphone nun. Cellphone ko ang lagi niyang gamit pag papasok. So hawak ko yung cp ngayon dahil wala siya sa trabaho, habang nag iinom siya sa labas, nag cecelebrate ng new year.

Nangalikot ako ng cellphone ko, para bumati sa mga facebook friends ko. Ang naaabutan kong profile ay yung kanya. Parang may tulak sakin buksan yung messages niya. Nakita ko dun yung conversation niya with his EX. Para akong napag sakluban ng langit at lupa. nanginginig ako sa galit, tahimik at habang nagbabasa ng conversation nila printscreen agad. wala akong pinalampas. Sobrang sakit ng mga nabasa ko, pati pride ko bilang babae.

"asawa? hindi ko asawa yun di naman kame kasal"
"keyboard ka ba? type kase kita"
"Mas masarap pag malaman heheh"
"date namn tayo minsan"
"Oo, sabi niya nga ang panget mo daw"
"hindi ko asawa yun"

At nagpapalitan sila ng selfie nila sa isat isa. Sya diba? Hahhahaha. Mga ulol
Dahi hindi ako marunong magpigil ng galit ko, nasaktan ko siya at muntik nnman mapatay. Wala daw siyang pake, lasing kase siya nun eh. Umuwi ako at nakipag inuman sa mga kaibigan ko. Pinabasa ko sa kanila yung nabasa ko. Tinulungan nila akong makontak yung haliparot at malanding babae na yun. At ayun, nag usap kame at nag kalinawan. Nag sorry siya sakin, tangina nila. Matagal na yung pero hanggang ngayon diko malimutan. Yung sugat na yun sobrang laki, gumaling man may peklat parin.

Siblings

Maganda umaga ko, kaso may sakit anak ko ngayong araw. Yung asawa kong si PAU nasa bahay nila. Walang pasok. Pero nag usap kame na pupunta siya dito sa bahay para mag alaga ng anak namin. Dumating yung hapon at gabi, kesho on the way na siya. Hanggang dumaan ang ilang oras hindi siya dumating. Yun pala nakipag away na sa ate niya at aswa nito. Ang totoong kawaaway yung papa nila, pero ang napagbuntungan ay si PAU dahil siya ang umawat. Basta magulo. Hanggang sa bugbugan at kasuhan na.

Piangbantaan siya at binugbug. Naiyak ako nung pinuntahan ko siya kinabukasan. Nakakaawa yung itsura niya. Ang daming pasa at kalmot. Habang yung tatay niya parang walang pake. Sa sobrang awa ko di ako makapaniwala na nagawa ng ate niya yun sa kanya. Halos di na siya makalakad sa bugbog. Sa sobrang galit ko kinuha ko yung gamit niya para samin muna siya tumira. Yung panahon na yun wala pa yung mama niya dun dahil nasa probinsya. Dahil siguro may mata mga tropa ng ate niya dun biglang nagtxt ate niya sakin at nagbanta ng kung ano-ano. Pero diko pinansin dahil wala nman akong ginawang masama. Sinamahan ko siya sa  hospital para makapagpagamot. Pagbalik namin wala ng yung mga gamit niya. At sa pangatlong pagkakataon, wala nnmang nagawa ama niya na sanhi talaga ng pag aaway nila.

Inintindi ko parin, Sinamahan ko siya sa opisina nila para makapag paalam at nagsabi ng totoo. At kinasuhan namin yung mag asawa. Hanggang sa nagkita kame dun, sinugod nila si Pau at inawat ko. Halos maihi ako sa nangyari dahil sa takot, Nakakahiya mga pangyayaring yun. Yung point ko andun ako sa lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya. Sinamahan ko siya, hindi ko siya iniwan. Pinagtanggol ko siya ng walang doubt, dahil mahal ko siya.

A Love story of Mer Part2

Sa ipanalit ko dun sa lalaking pinanghinayangan ko, eto na yung story namin.
Nagustuhan ko siya, minahal ko siya. Nagustuhan din siya ng ibang tropa ko para sakin. So naging faithful nako sa kanya. Nung una ayaw ko sa kanya eh, di ako seryoso natuto nalang akong mahalin siya hanggang sa sumobra na at boom, nagkabunga. Hahahahha
Thank GOD hindi nman ako nganga dahil hindi naman niya ko tinakasan. Natakot lang kame nung una dahil pano ko sasabihin sa magulang ko? Sira lahat ng pangarap nila para sakin. Hanggang sa dumating yung araw na napansin nila at sila na mismo ang nagtanong sakin at kumpirmadong buntis nga ako.

Pero kahit ganun tinanggap nila ako, Nagpunta si Pau sa bahay para humarap sa kasalanang nagaw naming pareho. Hinarap namn pareho ang aking magulang, sabi niya pagpapatuloy ko raw pag aaral ko. Siya daw bahala sakin, so natuwa naman ako. Hanggang sa naganak ako? Pero hanggang ngayon undergrad parin ako. palakpak

Marami kaming pinag daanan sa pinagsamahan namin. Marami akong nalaman tungkol sa kanya na hindi ko akalain. Alagain pa anak ko nun. Siya palaging gabi ang pasok dahil sa trabaho. Uuwing lasing at pagkatapos sasama sa teambuilding  para makipag bonding sa mga katrabaho. Hinayaan ko lang. Pero namihasa siya eh. Isang buong linggo siyang lasing. Bigla nalang nagdilim paningin ko at nasaktan ko siya. Pano? Pareho kameng may sakit lage ng anak ko, salitan yung sakit kase nagkakahawaan na kame. Siya hindi niya magawang mag alaga hindi siya naawa. Kaya dun napuno yung drum ko. At hinabol ko siya ng kutsilyo, pinalo ko ng sinturan at hinabol ng bato. Oo nagawa ko yun sa sobrang galit ko. Sadist na kung sadista, epo tama lang yun sa kanya.

Pagktapos nun nagkasakit ako. Dahil din sa kagagawan niya. Kidney disease sobrang kwawa itsura ko, Lalong pumayat, at halos hindi na makalakad. Nagpahatid nako sa papa niya sa bahay namin dahil feeling ko mamatay ako pag nagstay pako sa kanila. Ni hindi manlang niya ko nagawang silipin sa kwarto kung buhay pako. Hindi niya ko nabigyan kahit tubig manlang. Ni hindi niya ko tinitingnan.

Kaya nung nakauwi ako pinacheck up at ginamot ako agad ng mga magulang ko na galit na galit din sa ginawa ng "asawa" ko. Pinabayaan ako. Pinabayaan lang ako. Subukan ko daw uli balikan yung lalaing yun, hindi na nila uli ako tatanggapin. Ewan ko ba, ilang araw nakabawi na yung katawan ko, ilang araw lang din ang lumipas ayun, nagpupunta na siya sa bahay para kumustahin ako at pinapabalik sa kanila. at ako nman tong uto-uto sama din? Tangina talaga.

A Love story of mer


Isa akong babaeng mahilig makisalamuha sa ibang tao. Sa unang tingin sabi nila maldita at masungit ako. Pero ang totoo palakaibigan naman ako eh. Hehehe
Unang araw ko sa college life. First year malamang, Ayun pumasok ako sa unibersidad na to dahil pinag aral ako ng magulang ko. Ayun halatang ayaw ako kaibiganin ng mga kaklase ko. Hahaha dahil napaka maldita ko daw tingnan. Pero nag daan ang mga araw at linggo? Hehe. Naging kaibigan ko din sila. At dun nila natuklasan na baliw akong kaibigan. Hahahha

Dahil sa dami ng kaibigan ko marami akong nakikilalang mutual friends din nila na pinapakilala sakin. Nag kaboyfriend ako ako sa school namin. Di ako seryoso as always. Hehehe
Break at nagkaron uli, itong lalaking to crush ko lang nuon, hanggang sa naging akin ng wala akong ginagawang moves. Hahahahah yabang. Ayun naging seryoso siya sakin niligawan niya parents o. Gusto siya ng mga magulang ko. Naging faithful siya sakin. At alagang alaga niya ko. Pero diko alam sa sobrang bait niya sakin nagawan ko parin siya ng kasalanan. Naghanap ako ng iba kase nga masyado siyang mabait. Parang walang thrill. So naghanap ako ng may thrill. Kakakahanap ko ng may thrill, naging thriller ang buhay ko. Hahahahahah

Hiling ko lang mapatawad nako ng lalaking to. Kahit kaibiganin kase di niya magawa. sobrang nasaktan siya sa nagawa ko. Which is nasaktan ako para sa kanya. Pero hindi ko na rin itatago sainyo. Nag sisisi ako at pinakawalan ko siya. Sobrang nanghihinayang ako.

Miyerkules, Hulyo 1, 2015

My Introduction


A tale of a dreamer. Pwede natin sabihin blog/diary or story ang A tale of dreamer. You can call me MER. Im a female. Ang babaeng walang ibang pinangarap kundi ang umunlad at maiahon ang pamilya sa hirap. Gaya ng mga simpleng mamayan sa ating bansa, gaya ng simpleng tao sa mundong to. Gusto ko lang mabuhay kame ng pamilya ko ng masaya at payapa.
Nakatira ako sa lugar kung saan masaya ako. May pagsubok na nararanasan, minsan pagsubok na kayang-kaya. Minsan pagsubok na halos wala ka ng ibang alam gawin kundi umiyak nalang.

Isang umaga, nagising ako sa isang kubo kasama ng aking ina at ama. Masaya naman kame, nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Minsan apat pa! Salamat sa diyos. Pinag aral ako ng aking mga magulang sa elementarya, tinaguyod nila ang aking pag aaral. Siga ako sa aming eskwelahan diko sure kung tibo ako nun o sadyang matapang lang talaga ako. Hhahaha! Marami rin akong naging kaibigan kase sa kabila ng kasungitan at kamalditahan ko marami rin akong nakakasundo. pero di mawawala ang kontrabida. Naranasan ko na ring makipagrambulan. Oo ganun ako kasuwail na anak. Hahahaha! Pero kahit ganun ako nakakakuha ako ng mataas na grado.

23 nako ngayon. Pero alam niyo diko makakalimutan ang sitwasyon nato.
Isang beses sa pag aaral ko sa elementarya, Nag aanounce ang aking teacher ng mga nakakuha ng top sa klase. Dahil cleaners ako nun at mag uuwian na wala akong napakinggan at narinig. Umuwi ako ng dismayado kase alam ko nman sa sarili ko na ginawa ko ang lahat para maging top sa klase.

Sinabi ko yan sa mama at papa ko. Dismayado sila lalo na ang aking tatay.

MER: Mama, wala akong top sa klase.
MAMA: Bakit wala kang top ngayon? Ano nangyari?
MER: Diko po alam eh.
PAPA: Akala ko ba matalino ka? tsktsk

Yan yung mga salita na diko malimutan nun. Iyak ako ng iyak.
Dumating ang kinabukasan kinuha ng aking ina ang aking card. Nagulat ang teacher ko kung bat di ako nagpunta ng recognition day. Kase nasa top pala ako nun. TOP 5!
Dahil nga cleaners ako nun at uwian kaya maingay at diko narinig ang anunsyo ni mam.
Sobrang saya nung binalita sakin ni mama. Pero ang papa ko? Walang reaksyon. Kakalungkot!


#PART1 #Ataleofadreamer