Sa ipanalit ko dun sa lalaking pinanghinayangan ko, eto na yung story namin.
Nagustuhan ko siya, minahal ko siya. Nagustuhan din siya ng ibang tropa ko para sakin. So naging faithful nako sa kanya. Nung una ayaw ko sa kanya eh, di ako seryoso natuto nalang akong mahalin siya hanggang sa sumobra na at boom, nagkabunga. Hahahahha
Thank GOD hindi nman ako nganga dahil hindi naman niya ko tinakasan. Natakot lang kame nung una dahil pano ko sasabihin sa magulang ko? Sira lahat ng pangarap nila para sakin. Hanggang sa dumating yung araw na napansin nila at sila na mismo ang nagtanong sakin at kumpirmadong buntis nga ako.
Pero kahit ganun tinanggap nila ako, Nagpunta si Pau sa bahay para humarap sa kasalanang nagaw naming pareho. Hinarap namn pareho ang aking magulang, sabi niya pagpapatuloy ko raw pag aaral ko. Siya daw bahala sakin, so natuwa naman ako. Hanggang sa naganak ako? Pero hanggang ngayon undergrad parin ako. palakpak
Marami kaming pinag daanan sa pinagsamahan namin. Marami akong nalaman tungkol sa kanya na hindi ko akalain. Alagain pa anak ko nun. Siya palaging gabi ang pasok dahil sa trabaho. Uuwing lasing at pagkatapos sasama sa teambuilding para makipag bonding sa mga katrabaho. Hinayaan ko lang. Pero namihasa siya eh. Isang buong linggo siyang lasing. Bigla nalang nagdilim paningin ko at nasaktan ko siya. Pano? Pareho kameng may sakit lage ng anak ko, salitan yung sakit kase nagkakahawaan na kame. Siya hindi niya magawang mag alaga hindi siya naawa. Kaya dun napuno yung drum ko. At hinabol ko siya ng kutsilyo, pinalo ko ng sinturan at hinabol ng bato. Oo nagawa ko yun sa sobrang galit ko. Sadist na kung sadista, epo tama lang yun sa kanya.
Pagktapos nun nagkasakit ako. Dahil din sa kagagawan niya. Kidney disease sobrang kwawa itsura ko, Lalong pumayat, at halos hindi na makalakad. Nagpahatid nako sa papa niya sa bahay namin dahil feeling ko mamatay ako pag nagstay pako sa kanila. Ni hindi manlang niya ko nagawang silipin sa kwarto kung buhay pako. Hindi niya ko nabigyan kahit tubig manlang. Ni hindi niya ko tinitingnan.
Kaya nung nakauwi ako pinacheck up at ginamot ako agad ng mga magulang ko na galit na galit din sa ginawa ng "asawa" ko. Pinabayaan ako. Pinabayaan lang ako. Subukan ko daw uli balikan yung lalaing yun, hindi na nila uli ako tatanggapin. Ewan ko ba, ilang araw nakabawi na yung katawan ko, ilang araw lang din ang lumipas ayun, nagpupunta na siya sa bahay para kumustahin ako at pinapabalik sa kanila. at ako nman tong uto-uto sama din? Tangina talaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento