Linggo, Setyembre 20, 2015

Siblings

Maganda umaga ko, kaso may sakit anak ko ngayong araw. Yung asawa kong si PAU nasa bahay nila. Walang pasok. Pero nag usap kame na pupunta siya dito sa bahay para mag alaga ng anak namin. Dumating yung hapon at gabi, kesho on the way na siya. Hanggang dumaan ang ilang oras hindi siya dumating. Yun pala nakipag away na sa ate niya at aswa nito. Ang totoong kawaaway yung papa nila, pero ang napagbuntungan ay si PAU dahil siya ang umawat. Basta magulo. Hanggang sa bugbugan at kasuhan na.

Piangbantaan siya at binugbug. Naiyak ako nung pinuntahan ko siya kinabukasan. Nakakaawa yung itsura niya. Ang daming pasa at kalmot. Habang yung tatay niya parang walang pake. Sa sobrang awa ko di ako makapaniwala na nagawa ng ate niya yun sa kanya. Halos di na siya makalakad sa bugbog. Sa sobrang galit ko kinuha ko yung gamit niya para samin muna siya tumira. Yung panahon na yun wala pa yung mama niya dun dahil nasa probinsya. Dahil siguro may mata mga tropa ng ate niya dun biglang nagtxt ate niya sakin at nagbanta ng kung ano-ano. Pero diko pinansin dahil wala nman akong ginawang masama. Sinamahan ko siya sa  hospital para makapagpagamot. Pagbalik namin wala ng yung mga gamit niya. At sa pangatlong pagkakataon, wala nnmang nagawa ama niya na sanhi talaga ng pag aaway nila.

Inintindi ko parin, Sinamahan ko siya sa opisina nila para makapag paalam at nagsabi ng totoo. At kinasuhan namin yung mag asawa. Hanggang sa nagkita kame dun, sinugod nila si Pau at inawat ko. Halos maihi ako sa nangyari dahil sa takot, Nakakahiya mga pangyayaring yun. Yung point ko andun ako sa lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya. Sinamahan ko siya, hindi ko siya iniwan. Pinagtanggol ko siya ng walang doubt, dahil mahal ko siya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento